Post Page Advertisement [Top]

Presong inutusang mag-igib sa labas ng jail facility, nakatakas


Isang preso sa subprovincial jail sa Calbayog City sa Samar ang nakatakas matapos umanong utusang mag-igib, ayon sa Ronda Probinsiya portion ng Unang Balita nitong Huwebes.


Ayon sa Calbayog Police, dahil walang tubig, inutusang mag-igib sa labas ng jail facility sina Jerry Dealagdon at dalawang iba pa.


Yun nga lang, hindi na bumalik si Jerry, na may kasong murder, attempted murder, at frustrated murder.


Umapela naman ang pulisya sa publiko na agad na ipagbigay sa otoridad ang anumang impormasyon tungkol kay Jerry.


YOU MIGHT ALSO LIKE TO READ

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]