Post Page Advertisement [Top]

Akyat Bahay Natulog Sa Kwarto Ng Ninakawan, Aircon Pinaandar Pa


Donate and Help



Ang mga magnanakaw ay lagi lamang naka-aligid sa ating paligid kaya kung maari, lagi tayong maging mapagmatyag lalo na kapag gabi. Sa kaso ng isang magnanakaw na ito, tila napagod yata siya sa pang-aakyat ng bahay dahil nakatulog siya sa isa sa mga bahay na pagnanakawan niya sana.


Ang pangyayaring ito ay naganap sa Thailand kung saan isang 22 taon na lalaki ang nadatnan ng may-ari ng bahay na natutulog sa kwarto ng kanilang anak. Kalaunan, nadiskubre na isa pala itong magnanakaw!


Mas lalo pang na-corner ang magnanakaw dahil isa pa lang pulis ang may-ari ng bahay! Nakapasok umano sa bahay bandang alas dos ng madaling araw kung kailan natutulog pa ang mga may-ari nito.


Noong gumising na ang pulis, napansin niya na naka-on ang aircon sa loob ng kwarto ng kanyang anak gayong hindi naman ito umuwi. Kaya naman, dumaan siya sa bintana ng nasabing kwarto at ng makapasok siya dito, nadatnan ang isang lalaking hindi niya kilala na mahimbing na natutulog sa kama ng anak.


YOU MIGHT ALSO LIKE TO READ

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]