Post Page Advertisement [Top]

AJ Raval Pinagalitan Ng Kanyang Ama Dahil Sa Mga Litratong Ito Sa Instagram


Nakatikim pala ng sermon ang up and coming star na si AJ Raval sa kanyang amang aktor na si Jeric Raval dahil nakita nito ang topless photo niya na kanyang ipinost sa social media nitong nakaraan.


At dahil nagalit si Jeric, deleted na sa IG account ng sexy star at Viva Artists Agency contract artist ang nasabing litrato na talagang pinagpiyestahan ng kanyang male fans.


Kung matatandaan, unang napanood ang dalaga sa pelikulang “Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar” kung saan todo rin ang ginawa niyang pagpapaseksi at inamin rin niya na kontra talaga si Jeric sa paghuhubad niya sa pelikula.


Sa kanyang bagong pelikulang “Death of a Girlfriend” sinabi ng aktres na medyo lumambot na ang puso ng kanyang ama sa desisyon niyang magpaseksi.


“Sa totoo lang po, hindi sila naging supportive noong una. Pero ngayon naman po, hinahayaan na po nila ako,” sabi ni AJ.


“Nagalit po siya kaya ngayon deleted na yung post ko. Ipinaalis po. Nagalit po siya kasi pinag-usapan na namin na magpapaseksi po kung work lang po, kapag kailangan,” sabi ni AJ kaugnay sa kanyang post.


Sobrang protective raw talaga kasi si Jeric lalo na kapag meron siyang karelasyon.


“Mahigpit siya, at may pananakot (sa mga ex-boyfriend niya). Pero ngayon, mabait naman yung boyfriend ko, close sa family so okey naman kami ngayon. Okey na sa kanya,” sabi ni AJ.


“Sinasabi niya lang lagi sa akin, dapat piliin ko yung responsible, may pangarap, kahit hindi kaguwapuhan, basta may pangarap,” dagdag niya.


Samantala, ang mystery-suspense love story na “Death of a Girlfriend” ang ikalawang pelikula ni AJ sa Viva Films. Dito makakatambal naman niya si Diego Loyzaga.


Ayon sa direktor ng movie na si Yam Laranas, ito na ang pinaka-daring at palaban niyang pelikula dahil bukod sa mapangahas na tema at kuwento nito, meron din ditong “all-the-way scene” si AJ kasama ang leading man niyang si Diego.


YOU MIGHT ALSO LIKE TO READ

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]