Post Page Advertisement [Top]

“Maputi At Makinis” Na Anak Ni Jose Manalo Isa Palang Doctor


Sikat na artista si Jose Manalo sa kanyang pagiging isang komedyante gustong-gusto siya ng masa dahil sa galing niyang magpatawa. Ang actor-comedian ay isa ring co-host sa longest running noontime show ng GMA-7 na ‘Eat Bulaga.


Maliban sa kanyang pagiging actor-comedian/host ay isa ring mabuting ama si Jose sa kanyang mga anak. Bilang isang ama, labis na natutuwa at proud na proud ang komedyante sa bawat tagumpay na natatamasa ngayon ng kanyang mga anak.


At isa sa kanyang mga anak ay si Myki Manalo ang kanyang anak na babae, bukod sa taglay na kagandahan ni Myki may angking katalinuhan rin ito, dahil siya lang naman ay nag-aaral ng Doctor of Medicine.


Si Myki, ay 28 taong gulang at taong 2012 ay nakapagtapos ito ng kanyang pag-aaral sa kursong Bachelors of Science in Psychology sa De La Salle University sa Lungsod ng Maynila.


Maliban sa kursong Psychology, ipinagpatuloy ni Myki ang pag-aaral ng Medisina sa FEU-NRMF Institute of Medicine. Noong September 2016, ay matagumpay niya itong natapos at noong July 2017, ay natapos rin niya ang kanyang postgraduate internship sa De Los Santos Medical Center.


Kaya laking tuwa ni Myki, nang makita niya ang kanyang pangalan sa listahan ng mga nakapasa. Kaya naman ngayon, ay isa na siyang ganap na lisensyadong doktor. Agad itong nagpost sa IG nang kanyang nakamit na tagumpay, “Lord, iba ka! Ikaw lahat ‘to! Thank you! Lisensyadong doktor na po ako,” aniya pa.


Ngayon, mapapansin sa mga larawan na kanyang ibinabahagi sa kanyang Instagram ang pagiging physically fit nito, na naging resulta ng pagkakahilig niya sa swimming.


Maliban pa sa pagsi-swimming, ay mahilig rin itong kumanta, sumayaw at umarte tulad ng kanyang ama at kapatid na si Benj Manalo.


Noon lamang nakaraang taon, ay maaalalang nagpost si Myki sa kanyang social media ng isang nakakaantig na mensahe para sa kanyang amang si Jose Manalo.


Kung saan ay pinasalamatan niya ito sa pagmamahal at suporta na ibinigay nito sa kanya lalo na noong mga panahon na siya’y nag-aaral pa.


YOU MIGHT ALSO LIKE TO READ

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]