Post Page Advertisement [Top]

Sapul Sa CCTV Ang Security Guard Na Iniligtas Ang Isang Bata Sa Nasusunog Na Saaakyan


Sapul sa CCTV ang pag sagip ng isang security guard sa isang tatlong taon gulang na batang lalaki mula sa nasusunog na kotse sa davao.


Dahil sa agarang pagresponde ng security guard ay pinarangalan siya ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Davao region.


Nakuhanan ng CCTV ng isang paaralan ang pagsagip ng security guard sa batang lalaki na nasa loob ng nagliliyab nang sasakyan na nakaparada sa labas ng paaralan.


Sa video makikita na sumilip sa labas ang security guard na nakilalang si Kenneth Brian Cangke, at agad niyang napansin na mayroon nang usok na lumalabas sa likod ng isang nakaparadang Volkswagen. Imahe mula sa video ng BFP-Davao Region


Agad na sinilip ni Kenneth ang loob ng sasakyan at makikitang agad itong nagmadali upang buksan ang pinto nang mapansin ang batang lalaki sa loob ng sasakyan. Agad na inilabas ni Kenneth ang bata mula sa sasakyan at dinala sa ligtas na lugar.


YOU MIGHT ALSO LIKE TO READ

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]