Post Page Advertisement [Top]

AJ Raval pinanood ang Death of A Girlfriend kasama ang pamilya maliban sa amang si Jeric Raval

Hindi makapaniwala si AJ Raval na number one sa VivaMax ang Death Of A Girlfriend na nagsimula ang streaming noong April 30, 2021.


Pero nagpapasalamat siya sa suporta ng publiko sa mystery love story movie na pinagbibidahan nila ni Diego Loyzaga at mula sa direksiyon ni Yam Laranas.


“I m so very happy and grateful knowing na kahit baguhan pa lang po ako, nag- number one sa VivaMax ang Death Of A Girlfriend,” sabi ni AJ Raval tungkol sa mainit na pagtanggap ng mga tao sa kanyang launching movie.


Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na tutol na tutol sa pagpapaseksi ni AJ Raval sa pelikula ang kanyang action-star father na si Jeric Raval.


Hiningi namin ang reaksyon ni AJ Raval sa mga revealing scene niya sa Death Of A Girlfriend.


“Actually, sabay-sabay kami ng family ko na nanood ng Death Of A Girlfriend sa bahay namin. Naka-focus ang lahat sa story, napakaganda raw ng plot kaya very proud sila para sa akin.


“Pero ang tatay ko po, alam ko na hindi po talaga siya matutuwa kapag napanood niya and, I’m sure, hindi rin niya po panonoorin ang pelikula ko.


“Pero alam ko po na bilang artista ay mauunawaan niya na ang mga ginagawa ko ay trabaho lang.


“Malakas din naman po ang tiwala ko sa Viva na hindi lang po ganito ang mga project ang ibibigay nila sa akin,” pahayag ni AJ Raval sa exclusive interview sa kanya ng Cabinet Files.


YOU MIGHT ALSO LIKE TO READ

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]