Post Page Advertisement [Top]

AJ Raval Sinusuntok Ang Nambabastos Sa Kanya, Please Respect Her

Mapangahas ang magandang newcomer na si AJ Raval, isa sa 18 na anak ng former action prince na si Jeric Raval at sa estranged partner nitong si Alyssa Alvarez.


Naging introducing siya sa pelikula Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar at pinag-usapan ang mga daring scenes na ipinakita niya doon.


Mapangahas din in the sense na nagkatampuhan pa sila ng tatay niya bilang hindi niya ipinaalam dito ang plano niyang pagpapa-sexy.



Pero okay na raw sila ngayon at naipa-intindi na niya dito ang mga goals niya sa buhay. Bilin nalang daw nito na magpapa-sexy lang siya pag mga work-related ganap. Kaya hindi na siya nagreklamo nang ipa-tanggal nito ang topless photo niya sa Instagram.


Sa virtual press conference kamakailan ng Death Of A Girlfriend, inamin ni AJ Raval na kasabay ng pagpapa-sexy niya ay ang sabay ding pagdami ng kanyang fans at detractors.



Bukod pa roon, hindi rin maiwasan na mapukaw niya ang atensyon both ng mga nagpapantasya in secret na kakakakihan at ’yong mga naturalesang bastos na may innate ugali na pangse-sexual objectification sa mga kagaya niya.


Ani AJ Raval, na tila inihanda namang mabuti ang sarili bago tanggapin ang hamon ng pagpapa-sexy, keber lang siya sa bashers dahil ang turing niya sa mga ito ay “hindi counted” dahil wala namang ambag ang mga ito sa buhay at career niya.


As for mga nagpapantasya, natutuwa naman daw siya na may nakaka-appreciate sa kanya. Pero ibang usapan daw ang mga bastos na may extra time pang mag-DM umano sa kanya para lang magparating ng mga lewd messages.


“Pagka po may mga nag-di-DM [direct message] na po sa akin, nagme-message, parang nakakaramdam po ako ng pikon,” pag-amin ng mestiza beauty. “Parang gusto kong patulan...”


Hindi na raw bago sa kanya ang mga ganito dahil sa eskwelahan palang noon ay nakakaranas na siya ng mga pamba-bastos. Ang kaibahan lang, nare-resbakan niya in person ang mga ito, unlike ang mga anonymous na nasa social media.


“Kasi po before nu’ng estudyante pa ako, may mga estudyante pong nangba-bastos po ganu’n... naga-guidance [counsellor office] po kami dahil bigla ko nalang pong sinusuntok. Ganu’n po ’yong nararamdaman ko [pag nakaka-receive ng DM].”


When asked kung ano’ng klase ang mga mensaheng natatanggap...


“Hindi ko po masabi... sobrang foul na po ’yong mga sinasabi sa akin.”


Buti nalang at tila mentally healthy itong si AJ Raval at kaya niyang i-deal ang mga ganitong bagay. It’s not fair to say it’s part of the territory as a sexy star. Pero ang realidad is, may bastos talaga sa mundo.


Anyway, ang Death Of A Girlfriend, which is produced by Viva Films, ay tungkol sa magkasintahang mahaharap sa isang matindi—at misteryoso—na insidente na magpapabago sa kanilang buhay.


YOU MIGHT ALSO LIKE TO READ

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]