Post Page Advertisement [Top]

Jake Zyrus Nagalit Sa Mga Taong Nakakamiss Kay Charice Pempengco


Naglabas ng hinanakit ang singer na si Jake Zyrus sa kanyang Instagram Stories kagabi, May 19.


Base sa kanyang mahabang post na in all caps, galit na galit ang trans man singer sa aniya'y entitled netizens na hindi pa rin tanggap ang kanyang bagong katauhan at pilit na hinahanap ang dati niyang katauhang si Charice Pempengco.


Mukhang may kinalaman sa bago niyang kanta ang saloobing inilabas ni Jake.


Naglabas ang singer ng bagong kanta sa Apple Music na may titulong “Fix Me" nitong mga nakaraang araw.


Panimula ni Jake, (published as is): “I DON’T CARE IF YOU WANT TO LISTEN TO MY CHARICE SONGS ALL DAMN DAY OR IF YOU HEAR MY CHARICE VOICE IN MY FALSETTOS, BECAUSE OF COURSE YOU DUMBASS MF, BOSES KO PARIN YON. NAG-TRANSITION LANG.


“SABI KO WAG NA PATULAN MGA GANUNG TAO KASI NAGIGING FEELING NA, PERO HINDI KASI BASTOS NA TALAGA ANG IBA.


“OKAY AKO KUNG I-COMPLIMENT MONG NARIRINIG MO KASI TOTOO NAMAN YON.


“PERO PARA IPANGALANDAKAN MO NA ‘CHARICE IS COMING BACK’ AND ALSO BINABASTOS NA ANG PAGKATAO KO NANG DAHIL LANG DOON, GET YO MF TRANSPHOBIA ASS AWAY FROM ME.


“FEELING ALAM ANG SINASABI. PATALINO EFFECT. ENTITLED.”


Dagdag pa ng 29-year-old singer, pinapalagpas lamang niya ang mga komento ng panghihinayang ng netizens sa dati niyang katauhan bilang si Charice Pempengco.


Pero hindi na raw niya kaya pang sakyan ang mga ganung klaseng pagkukumpara.


Saad ni Jake, “I’VE DONE SOME INTERVIEWS WHERE I’D SAY OKAY LANG KAHIT SINASABI NILANG NAMIMISS NILA SI CHARICE OR SAYANG MGA NANGYARI BEFORE AND I’D JUST AWKWARDLY SMILE AND TAKE IT JUST BECAUSE I WANTED TO PLEASE THESE MFS.


“NAKAKALITO NA NGA INTERVIEWS KO PARA KAHIT PAPANO DI MASYADO PROBLEMATIC AT MEDYO PASOK PARIN SA NYETANG STANDARDS NG KARAMIHAN.


“I AM NOT MF OKAY WITH THIS. KASI THE MORE NA SINASABI KONG ‘AH, OO, OKAY LANG YUN. OKAY LANG NA NAGKAKAMALI SILANG TINATAWAG AKONG CHARICE, OR OKAY LANG NA TANGGAP NILA AKO AS JAKE ‘PERO’ MAS GUSTO NILA AKO PRE-TRANSITIONED, THE MORE NA NAGIGING KAMPANTE ANG IGNORANTENG PALAKA NA BASTUSIN KUNG ANO ANG NAGING DESISYON KO SA BUHAY KO.


“LAGI NA LANG AKO NAG-IISIP KUNG ANONG SASABIHIN KO SA MGA INTERVIEWS PARA BALANCE LANG ANG MAISIP NG MGA TAO AT PARA DI SILA MA-TRIGGER AT SABIHIN NA WALA AKONG UTANG NA LOOB OR THE KUNG DI DAHIL SA ‘AMIN’ OR ‘AKIN’ MENTALITY.


“NEVER AGAIN.”


“HINDI PALA OPINION YAN. INSULTO YAN.” Mula raw ngayon ay hindi na siya mag-aatubiling magsalita ng kanyang saloobin.


Hindi rin pinalampas ni Jake ang mga miyembro ng lesbian, gay, bisexual, transgender, at queer (LGBTQ) community kung saan may bashers din daw siya.


Sabi niya, “ILANG BESES NA AKONG NAOFFEND NA HINDI AKO NAGSASALITA.


"LAST NA ‘TO.


"TUTAL, KE PUBLIC, OR SA FAMILY, OR SA MGA EX-FRIENDS KO EH MAYABANG AT MASAMA ANG UGALI KO, SO BE IT.


“I KNOW MY MF HEART. BRING IT ON.


“I WILL ALWAYS HAVE MY UTMOST RESPECT SA MGA TAONG NIRERESPETO ANG NAKARAAN AT ANG KASALUKUYAN KO. HINDI YUNG RESPESTO SA NAKARAAN, BASTUSIN ANG KASALUKUYAN.


“AYUSIN MO OPINYON MO. AY, HINDI PALA OPINION YAN. INSULTO YAN.


"IGNORANTE KA NGA PALA.


“PREPARE KO SARILI KO SA IBANG SASABIHING SILA PA MABUBULLY.


"LOL. REALLY THO, BLESS YOUR HEARTS. FULL OF HATE, CONVINCING YOURSELVES NA TAMA KA JUST BECAUSE SA MATA NG TAO NORMAL KA? LUL. THIS GOES OUT TO SOME LGBTQ+ NA BASHERS KO REN. SA TOTOO LANG TAYO. DI TALAGA SA LABELS YAN. UGALI NG TAO TALAGA YAN."


Nagpasalamat naman siya sa mga rumerespeto sa kanyang mga naabot noon at nagawa ngayon.


Mura naman ang ipinaabot niya sa mga taong umaasang magga-gown ulit siya.


Saad niya, “LAST NOTE:


"SALAMAT SA MGA NIRERESPETO ANG MGA NAGAWA KO BEFORE AT NAGAGAWA KO NGAYON. SALAMAT KUNG NARIRINIG NYO CHARICE VOICE KO YET NAAAPRECIATE DIN ANG BOSES KO NGAYON. SALAMAT SA MGA NANDYAN DAHIL SA MGA NAGAGAWA KO NGAYON.


"PAKYU NAMAN SA MGA NADYAN LANG DAHIL UMAASANG MAGGA-GOWN ULIT AKO.


"LOVE YOU GUYS."



YOU MIGHT ALSO LIKE TO READ

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]