Post Page Advertisement [Top]

AJ Raval May Panibagong Hinahandang Pelikula Na Mag-Papainit Sa Inyong Lahat


Bidang-bida si Sean de Guzman sa Taya, at puwedeng sabihing millennial version ng controversial 1985 movie na Scorpio Nights ang sexy drama movie nila ni AJ Raval.


Malakas ang Scorpio Nights vibe ng mga eksena nina Sean at AJ sa Taya.


May rason para kabahan ang direktor na si Roman Perez Jr. dahil palaban sa hubaran ang mga artista niya.


Si Peque Gallaga ang direktor ng Scorpio Nights na pinagbidahan nina Daniel Fernando, Anna Marie Gutierrez, at ng pumanaw na aktor na si Orestes Ojeda.


Maingay na maingay at pinagpistahan ng publiko ang Scorpio Nights nang ipalabas ito sa mga sinehan noong June 18, 1985.


Ang popularidad ng Scorpio Nights ang dahilan kaya nagkaroon ito ng Korean remake, ang Summertime, na napanood sa mga sinehan sa South Korea noong May 26, 2001.


Para kay Perez, homage niya ang Taya kay Gallaga na sumakabilang-buhay noong May 7, 2020.


Unang ipinamalas ni Perez ang kanyang husay sa paggawa ng erotic films sa Adan, ang 2019 launching movie nina Cindy Miranda at Rhen EscaƱo.


Pero nahigitan niya ang sarili sa Taya dahil sa mala-Scorpio Nights sex scenes nina Sean at AJ.


YOU MIGHT ALSO LIKE TO READ

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]