Post Page Advertisement [Top]

Lalaking may 94 na anak at 39 na asawa namatay na

Ang pagkakaroon ng malaki at masayang pamilya ay maituturing na blessing lalo na at ang ating pamilya ay ang mga taong mananatili sa tabi natin habang tayo ay nabubuhay.

Pero, paano na lamang kaya ang magiging sitwasyon kung hindi lamang isang pamilya ang sama-samang naninirahan sa isang bubong?

Noong 2018, marami ang napukaw ang atensyon sa istorya ng isang Indian na nagngangalang Ziona Chana. Siya ay mayroong lang namang 39 na asawa, 94 na anak, 14 na biyanang babae and 33 na apo. Lahat sila ay nakatira sa iisang bahay lamang.

Ang buong pamilya ay nakatira sa isang malawak na 4-palapag na pink na gusali na may 100 kuwarto sa Baktawng, isang remote village sa Mizoram. Kaya naman itinuturing ang kanilang pamilya na “pinakamalaking pamilya” sa buong mundo.

Bukod pa dito, ang pinakamatanda sa mga asawa ni Chana ang siyang nagtuturo sa iba pang asawa ukol sa kung paano magiging mabuting asawa kay Chana at kung paano mapapalakad ang buong kabahayan.

Matapos ang ilang taon simula noong naging trending ang kanilang istorya, nakakalungkot na balita naman ang kinahaharap ng pamilya.

Ito ay matapos pumanaw ang kanilang Padre de Pamilya sa edad na 76. Ayon sa ulat ng ABS-CBN, noong Linggo, June 13, 2021 ay binawi-an na ng buhay si Chana. Siya ay nagsilbing pinuno ng local Christian sect na “Chana” na nagpapahintulot ng polygamy, ayon kay Zoramthanga, chief minister ng bayan ng Mizoram.

Nakakalungkot man ang balitang ito, tiyak naman na hindi lamang sa pamilya ni Chana mananatiling nakatatak ang kanyang pangalan kundi sa lahat ng tao sa buong mundo na makakabasa o makakabalita ukol sa kanilang hindi pangkaraniwang pamilya.


YOU MIGHT ALSO LIKE TO READ

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]