Post Page Advertisement [Top]

Chito Miranda Bistado Ng Kanyang Asawa Inilabas Ang Tinatagong Baho Nito


Kaloka lang na ang simpleng mga post ng mag-asawang Chito Miranda at Neri Naig ay umabot na sa programa ni Raffy Tulfo, ha!


Pina-Tulfo nga ni Chito ang misis niyang si Neri.


Sa simula ay seryoso ang mukha ni Chito, pero natawa siya nang sabihin ni Tulfo na nagpa-picture ang mag staff niya sa video ni Chito.


Anyway, heto nga ang kuwento.


“Nagulat din po ako na nalaman ng mga tao ang mga post ko. Nagulat ako na nalaman nila,” sabi ni Chito.


“First of all, inaamin ko po na pasaring ko ‘yan, pinaringgan ko ang akiing asawa na si Neri, kasi uso po sa mga kabataan na tulad namin, na pag may problema sa relasyon, gagawa ng cryptic post, ipu-post sa social media. Inaamin ko po para sa asawa ko yan. At nag-react din siya at nagparinig din sa akin, at na-confirm ko na may problema talaga sa amin,” sabi pa rin ni Chito.


Gaano karami o katindi ang problema nila?


“Nagulat ako na lumaki ang isyu na ito. Matagal na itong dinadala ko. Pero dati hindi ko pinapansin. pero ngayon kasi naapektuhan na ako.


Pag nasa labas kami, sa totoo lang si Neri sobrang lambing po, in love na in love sa akin, laging nakayakap, kulang na lang kahit nagmamanaheo. Pero, sa labas lang. Pagdating sa bahay, hindi niya ako nilalapitan. Napansin ko parang sa loob ng bahay kami nagsu-social distancing,” chika pa rin ni Chito.


Baka nandidiri sa iyo? tanong ni Raffy.


“Wag naman sana. Mabuti pa tanungin natin ang side niya, ayoko rin mag-assume.”


Baka may third party ka?


“Wala naman po. Ang pagkakaalam ko… ang problema, hindi nga siya ganun sa bahay. pero pag sa labas, malambing. ano yon, show show lang?” sabi ni Chito na tila nagpapatawa na.


“Hindi kami magkaaway, pero hindi lang siya ganun kalambing dito. Si Neri na lang ang tanungin natin.


YOU MIGHT ALSO LIKE TO READ

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]