Post Page Advertisement [Top]

Youtube Channel Ng Jamille Deleted Na


Marami sa mga tagahanga at tagasuporta nina Jayzam Manabat at Camille Trinidad ang nabahala matapos nilang mapansin na hindi na mahanap sa YouTube ang kanilang YouTube channel.


Ang lumalabas lamang kapag sini-search ang kanilang video ay hindi umano ito mapapanood dahil isinara na ng mga nag-upload ang kanilang YouTube channel.


Matatandaang sunod-sunod ang naging dagok sa magkasintahan matapos ireklamo sila ng isang graphic designer.


Kasunod nito ay lalong lumaki ang isyu nang lumabas ang isang babaeng nagsabing hinalikan siya ng vlogger. Dito na dumami ang nagreklamo at maging si Camille at nagulat sa kanyang natuklasan.


Narito ang reaksiyon ng netizens sa pagkawala ng YouTube channel ng Jamill:

Jamill's Youtube channel?? I'm confused...Deleted??, reported?? Bat biglaan naman at kahit sa Second Channel nila?


Ano po nangyayari sa youtube channel nyo bat nawawala po?


Nalungkot kami ng anak ko wala na kami ma papano2ud na jamill sa YouTube


Ang tambalang JaMill ay binubuo ng magkasintahang sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad.


Sumikat sila sa kanilang mga ginagawang content sa kanilang YouTube channel na mayroon nang mahigit 12 milyon na subscribers.


YOU MIGHT ALSO LIKE TO READ

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]