Post Page Advertisement [Top]

Ion nagulat sa laplapan kay Sunshine


Kahit na walang kaugnayan sa It’s Showtime at sa Grand Finals ng Tawag ng Tanghalan, sinagot pa rin ni Vice Ganda ang tanong tungkol sa boyfriend na si Ion Perez at sa diumano’y laplapan scene nito at ng bagong VIVA star na si Sunshine Guimary sa movie.


Ang tanong ay kung nagpaalam daw ba si Ion sa kanya.


“Siyempre alam ko yun dahil ako ang manager ni Ion at ako ang pumirma sa kontrata, ‘di ba? Nae-excite ako at sobra kong proud na, ‘ay ang taray, may nakuhang ganung role si Ion, na siya ang pinili. Ang taray mo, you’re the chosen one’.”


Kilala rin naman daw niya si Sunshine dahil nai-guest na niya ito sa GGV.


“Ako, go lang ako, nasa showbiz tayo. Trabaho yun. Kikita siya do’n, ‘di ba? Bibili niya ko ng bagong rubber shoes,” biro pa niya.


Hindi lang sigurado si Vice kung mapapanood niya ang movie o ang love scene mismo nina Ion at Sunshine. Kasi raw, si Ion mismo, ayaw na pinapanood ang sarili nito.


“Kahit sa pelikula ko na nandoon siya, hindi siya sumasama sa sinehan, nahihiya siya. Kahit yung Mang Kepweng na bumili pa ko ng tickets para panoorin namin noong Pasko, ayaw niyang panoorin.


“So, hindi ko alam kung panonoorin namin dahil nahihiya talaga siya.”


Sa totoo lang, siya raw ang nagsabi kay Ion na sexy-comedy ang tema ng movie. Nagulat pa raw ito ng malamang may laplapan kaya hirit niya sa jowa, “Paanong magiging sexy-comedy kung walang laplapan? Tapos sabi niya, paano yun? Sabi ko, aba, hindi ko alam, hindi naman ako nakipaglaplapan sa babae ‘no!


“Ako, go lang ako, deds ako sa ganun. Super support ako. Siyempre, success niya sa yun and Ion is a different person. Iba si Ion, iba si Vice. Hindi rin pag-aari ni Vice si Ion. Pwede siyang lumipad, lipad ka lang diyan, papalakpakan kita.”


At saka nai-segue nito sa grand finals na ng TNT ngayong Linggo na sey niya, “Kung yung mga TNT nga, hindi ko naman mga kamag-anak, hindi ko naman jowa, pinapalakpakan ko, sinusuportahan ko, yung jowa ko pa kaya?!”


YOU MIGHT ALSO LIKE TO READ

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]