Post Page Advertisement [Top]

Julia ‘nanggigil’ sa labi ni Marco


Patuloy na binabastos sa social media, lalo na sa Instagram, si Gerald Anderson. Hindi na talaga siya tinatantanan ng mga follower, fan ng ex- girlfriend niyang si Bea Alonzo.


Habang inuulan ng mga message of support si Bea dahil sa happiness na nararanasan nito sa kasintahang si Dominic Roque, binabayo naman palagi si Gerald ng mga kung anu-anong akusasyon sa kanyang post.


Simpleng posting lang ang binahagi ni Gerald sa Instagram niya habang nasa isang port at may caption na turista, binully, binaboy na agad ang aktor kahit wala namang dahilan.


Alam ng mga netizen na nasa Budapest si Gerald, para sa syuting ng bago niyang proyekto. At `yun na nga, kung ano-ano na ang sinabi ng mga basher kay Gerald.


Sinabihan ito na kesyo mambababae na raw ito.


@razmanalang, “Tinakasan na si Julia Barretto mambabae na.”


Hinahamon pa ang pagtitimpi ng aktor sa sinasabing panggigigil umano ni Julia sa labi ni Marco Gumabao sa serye nila sa TV5 na “Di Na Muli”.


@totoolangteh, “Panuorin mo halikan ni Julia at Marco Gumabao. Gigil si Julia sa lips ni Marco. Hahaha!”


Pero, marami rin naman ang pumuri kay Gerald sa mga blessing na natatanggap nito.


YOU MIGHT ALSO LIKE TO READ

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]