Post Page Advertisement [Top]

Kapatid ni Ivana Alawi na si Mona Alawi agaw buhay sa hospital


Ikinwento ni Mona Alawi at ng kanyang pamilya ang naging karanasan niya na pag-agaw buhay dalawang linggo bago ang kanyang kaarawan.


Si Mona Alawi ay ang bunsong kapatid ng model aktres at Youtuber na si Ivana Alawi.


Isa rin siya noong childstar na nagkaroon ng screen name na Mona Louise Rey.


Matatandaan nito lamang Hunyo ng ikwento ni Ivana kung madalas na wala ang kanyang kapatid na si Mona sa kanyang mga vlog.


Sinabi niyang nakailang beses na itong dinala sa ospital dahil sa kanyang karamdaman.


Noong August 19, 2021 nagdiwang ng kanyang ika-17 taong kaarawan si Mona ng magbigay ng birthday wish ang kanyang ina para kay Mona.


"Good health, sana gumaling na talaga siya kasi pag nanay ka alam mo yun ambigat sa dibdib pag umiiyak yan, pagalingin na sana siya ni God, total healing for Mona, wala akong magawa. Kung pwede ko nga lang angkinin."


Dagdag pa si Mommy Alawi na mahirap pala talaga kapag nakikita ng isang ina na may sakit ang anak kaya hiling nito na sana ay gumaling nasi Mona sa sakit na diabetes.


Tatlong beses na daw umanong nag-agaw buhay ang kanyang anak na si Mona.


Labis itong ikinabahala ng kanyang pamilya.


"Sobrang lamig na ng katawan niya, yung kamay niya pag hinawakan mo wala na, pag itinatayo na siya wala na, bumasak na siya" salaysay ni Mommy Alawi.


Ayon kay Mona "Sobrang bumagsak yung sugar ko nun, kasi nasobrahan pala yung nalagay kong insulin, tapos after nun nagulat ako, akala ko nananaginip lang ako, kasi nakikita ko yung sarili ko, tapos si mama parang nakayakap lang siya sa akin, Sabi ko parang ngayon lang ako nanaginip ng ganito, hinihintay ko nalang na magising ako, "


Pahayag na ni Mommy Alawi "Parang yung kaluluwa mo nasa labas na para panoorin mo yung sarili mo, yun ang nakakakilabot."



YOU MIGHT ALSO LIKE TO READ

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]