Post Page Advertisement [Top]

Manny Pacquiao, umani ng iba’t ibang reaksyon sa kanyang litrato habang kumakain ng nakakamay


Usap usapan ngayon sa social media ang mga litrato ng pambansang kamao Sen. Manny Pacquiao habang kumakain ng nakakamay.


Ibinahagi ng television host at mamamahayag na si Korina Sanchez ang mga nasabing litrato kung saan ay kumakain si Pacquiao ng inihaw na manok habang nakakamay.


“Ang sabi ni Sen. Manny Pacquiao: basta. Mas masarap kumain nang naka kamay. PS: Naubos ang dalawang takal ng kanin and fish. Naiwan ang chicken. FYI.” ani Korina.


Alam naman ng karamihan na mula sa hirap si Pacquiao, ngunit may mga netizens parin ang hindi napigilan na kwestiyonin ang nasabing litrato lalo na’t isa sa mga posibleng kandidato ang pambansang kamao sa 2022.


May ilan na nagsabi na tila nagpapabango na ang pambansang kamao sa publiko.


“Bakit Manny ano pa ang gusto mong palabasin? Nagiging ipokreto ka na. Di na dapat ipaliwanag kung sino ka noon at sino ka ngayon, alam na namin.” ani netizen Pericles Rabaria.


“Walang authenticity. Gaya gaya kay PRRD. Dapat umuwi siya sa Gensan, don siya sa turo turo n kainan tapos upo siya sa mesa gamit plastic stool lng para mgmukha kapanipaniwala. Obvious nmn for photo ops lng. May compete set of cutlery sa gilid n gold plated pa. Ang pinggan, ka level ng hermes.. Wag kami oi.” sabi naman ni Jamie Houstin.


May mga nagtanggol parin naman kay Pacquiao at sinabi na wala namang masama sa ginagawa nito.


“I may not support Manny Pacquiao in his political ambitions but making an issue of his manner of eating is below the belt.” saad ni Rabadon Ague.


“In all honesty i think Manny really eats that way. Whats the problem with eating with his fingers? The problem is not Manny the problem is the people posting such thing. We all know that Korina and her family has a Political Agenda and she is using Manny to gain favor of the masses to the extent of Manny looking like he is just acting poverty out. Hoy Korina mahiya ka naman bakit di ka nag popost ng mga picture ni pacman the previous year?” komento ni Jurgen Unterberg.


Sa ngayon ay may libo libo ng reaction sa social media ang nasabing litrato ni Pacman.


YOU MIGHT ALSO LIKE TO READ

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]