Post Page Advertisement [Top]

Paolo Contis nag sorry at itinanggi na si Yen Santos ang kanyang kabit


Nagsalita na si Paolo Contis matapos ang napaulat na hiwalayan nila ni LJ Reyes, kung saan humingi siya ng tawad dahil umano sa third party, pero kinlaro ang pangalan ng aktres na si Yen Santos.


Sa kaniyang Instagram at Facebook account, sinabi ni Paolo na nakatanggap siya ng "katakot takot na pang aalipusta at pambabatikos" matapos ang interview ni LJ, pero hindi na siya nanahimik dahil "marami nang mga nadadamay na hindi dapat."



Pinabulaanan ni Paolo na gumagamit siya ng droga at sinaktan niya ang mga anak ni LJ na sina Aki at Summer.


Ngunit inamin ni Paolo ang kaniyang pagkakamali tungkol sa third party.


"Aaminin ko, naging marupok at gago ako sa ilang taon naming pagsasama. I’m not proud of it. For that, I’m sincerely sorry. I’m truly ashamed of my actions," anang aktor.


Gayunman, nilinaw niyang walang kinalaman dito si Yen.


"She was never the reason of our break up. I was. Kung matagal na kaming hindi okay ni LJ, it was mainly because of me. Masyado niyo siyang diniin sa issue na to. Pati pag promote namin ng movie nabahiran na ng kung anu ano," sabi ni Paolo.


Paglilinaw pa ni Paolo, inimbita lang niya si Yen "as a friend" nang malaman niyang lumipad si LJ at ang kaniyang mga anak sa States, para mayroon siyang makausap.


"When LJ left for the States with the kids, I went to Baguio for 3 days dahil ayaw ko sa Manila at gusto kong makapag-isip-isip. Naging insensitive ako about the possible effects nung issue and I invited Yen for a day para may makausap since malapit lang siya sa North din. She went there as a friend. Hindi ko naisip na madadamay siya ng ganito. I’m sorry for this."


Nilinaw din niya kay LJ na gusto pa rin niyang alagaan si Summer kahit hindi sila nagkakamabutihan nito.


"But I understand and respect her decision to go to the States muna. Sana balang araw makapag-usap kami nang maayos para sa bata. Madami pang kailangan pag-usapan pero sa amin na lang ni LJ yun at sana respetuhin niyo yun," sabi ni Paolo.


Sa pagtatapos ng kaniyang post, humingi ng tawad si Paolo sa mga tao na nasaktan niya, lalo na kay LJ at kina Summer at Aki.


"I’m sorry sa lahat ng nadamay sa issue na to. I want to apologize to Lian and the kids, na nagulo na naman ang tahimik na buhay dahil sa akin. I’m sorry to my Mom. Please don’t worry about me too much. I’m sorry to my team na hindi na nakakatulog dahil sa akin."


"To Summer, I’m sorry my Ganda. I love and miss you so much. Papa will do his best to be better. I will always be here for you. I promise," mensahe ni Paolo sa anak.


"To Aki, I wish I could’ve done things differently and listened to you more. I’m sorry I failed you," mensahe naman niya kay Aki.


Mensahe ni Paolo kay LJ: "To LJ, I’m very sorry. For everything. Sa lahat lahat. I will work on making myself a better person and learning from this. But for now, please respect our privacy and pray for us. Ngayon kung hindi pa po kayo pagod, please direct all your hate and bashings at me. No one else deserves it, ako lang. Thank you."


Kinumpirma ni LJ na hiwalay na sila ni Paolo sa “The Interviewer" ni Boy Abunda, kung saan sinabi niyang hindi naging mutual ang desisyon.


Sa panayam, ikinuwento ni LJ ang mga napansin niyang pagbabago kay Paolo.


YOU MIGHT ALSO LIKE TO READ

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]