Post Page Advertisement [Top]

Raffy Tulfo susuportahan na ang mga Dilawan matapos naging guest sa ASAP


Sa pambihirang pagkakataon ay inulan ng batikos ang mamamahayag na si Raffy Tulfo mula sa ilang netizens na hindi nagustuhan ang kanyang komento na diumano’y patama sa mga taga suporta ng kasalukuyang administrasyon.


Sa programang Wanted sa Radyo nitong September 20 ay ibinahagi ni Tulfo ang kanyang pagsuporta sa ABS-CBN na bigong makakuha ng prangkisa sa ilalim ng kasalukuyang pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Ikinuwento ni Tulfo ang kanyang pagiging panauhin si musical variety show na ASAP Natin ‘To nitong nakaraang Linggo at napansin niya ang kalungkutan na diumano’y nararamdaman ng mga artista ng ABS-CBN.


“Syempre, walang nagsasalita sa kanila dun. Tahimik lang. nakikita ko ang lungkot. Dati-rati, nag-ge-guest na ko sa ABS-CBN noon–maraming taong masaya, pero dun, malungkot sila. Huwag kayong malungkot dahil… 9-10 months,” ani Tulfo.


Ilang netizen ang nag suspetsa na ang 9-10 buwan na binabanggit ni Tulfo ay ang natitirang termino ng kasalukuyang pangulo.

“Ten thousand kasi ang nawalan ng trabaho. Kung pwedeng baka sabihin ni Lord, sige ten months, okay na ulit. Di ba?” saad pa ng mamamahayag.


Nagpasaring pa muli si Tulfo at sinabi na matatalo ng 42-M subscriber ang ’16-M’ na pinaniniwalaang bilang ng mga bumoto sa Pangulo.


Hindi naman malaman kung ang followers ba ni Tulfo ang binabanggit niyang 42-M.


“Kumabaga, magbabanggaan yong 16 million versus 42 million subscribers,” paghahamon ng mamamahayg.


“Forty-two million yata ‘yong subscribers. Kung i-combine mo pa baka 50 million, so 60 million, so alin mas marami dun?” dagdag niya pa.


May ilang netizen ang binatikos si Tulfo at sinabi na hindi naman porket mas madami ang subscribers niya ay mas madami na ang nakasuporta sa kanya.


Inalis nadin ng ilang netizen ang kanilang subscription sa programa.


Wala pang opisyal na pahayag si Tulfo tungkol sa kung ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng kanyang mga sinabi.


May mga kumakalat naman na balita na tatakbo ang mamamahayag sa susunod na halalan ngunit hindi pa malaman kung sa anong posisyon.


YOU MIGHT ALSO LIKE TO READ

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]