Post Page Advertisement [Top]

AJ Raval kabit ni Aljur Abrenica nagsama na at nagpakita sa publiko


MAGKAKAIBA ang reaksyon ng mga netizens sa mga litrato nina Aljur Abrenica at AJ Raval na magkasamang nag-iikot sa isang shopping mall kamakailan.


Sa ilang photos na kumalat sa social media makikita ang isang lalaki at isang babae na magkahawak ang kamay habang naglalakad sa mall, ang hula ng marami ay sina Aljur at AJ nga ang mga ito.


Parehong may bitbit na shopping bag ang nakatalikod na rumored couple habang naglalakad sa mall.


May mga litrato rin kaming nakita sa socmed kung saan magkahiwalay na nagpakuha ang isang netizen kina AJ at Aljur na parehong naka-face mask ngunit mapapansing parehong-pareho ang background sa mga photos.


Nakumpirma naman sa isang photo collage na ipinost ng isang netizen sa Facebook na sina AJ at Aljur nga ang sweet couple dahil sa kanilang mga damit na nag-match sa suot ng dalawang taong magka-holding hands while walking.


May isang video rin kaming nakita sa TikTok kung saan sabay na namimili sa tila isang toy store ang dalawa.


Ayon sa mga netizens, mukhang totoo ngang magdyowa na ang dalawa at hindi lang basta special friends. Baka raw sinagot na ng sexy star si Aljur makalipas ang ilang linggong panliligaw nito sa kanya.


Inamin naman ni AJ sa isang panayam na totoong nanliligaw sa kanya si Aljur at nasa “getting-to-know” stage pa lamang ang kanilang relasyon.


Sabi pa ng dalaga, talagang nagpaalam muna ang aktor sa parents niya bago siya nito ligawan. Unang nagkasama sina AJ at Aljur sa pelikula ng Viva Films na “Nerisa”.


YOU MIGHT ALSO LIKE TO READ

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]