Post Page Advertisement [Top]

Kylie Verzosa Bigay Todo Sa Mga Maiinit Na Eksena Sa “My Husband, My Lover”


“Done in good taste” ang pagsasalarawan ni Marco Gumabao sa mga love scene nila ni Kylie Verzosa sa My Husband, My Lover.



Pero siguradong ikagugulat pa rin ng manonood ang kanilang mga eksena dahil tiyak na magmamarka at pag-uusapan ang pagpayag ni Marco na hubo’t hubad siya habang nakatayo silang nagtatalik ng former Miss International.


Tiniyak ni Marco na walang dapat ikagalit ang boyfriend ni Kylie na si Jake Cuenca sa kanilang mapupusok na eksena sa My Husband, My Lover dahil hiningi niya ang permiso ng kanyang kaibigan.


Kuwento ni Marco, “When I read the script, nagandahan po talaga ako kaagad. Pero at the same time, kinabahan ako kasi very big ang requirements for the character at sa mga eksenang gagawin namin.


“Nagpaalam ako kay Jake.

"As you all know, kapatid ko si Jake sa Los Bastardos. And even after Los Bastardos, kapatid ko pa rin siya off cam.


“Minsan lumalabas kami ni Jake with Kylie, ako yung laging third wheel nila.


“I had to ask him for his blessing kasi kahit sabihin nating trabaho lang ‘to, as a gentleman and as a brother to him, tinext ko siya.


"And sabi niya, ‘Bro, you have my blessing. Galingan niyo.’


“Sobrang laking tulong sa akin nun, kasi siyempre, sa mga eksena namin, talagang maiinit.


"I needed that go signal from Jake para matodo namin yung mga eksena."

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]