Post Page Advertisement [Top]

BBM, nangunguna sa survey sa pagka-pangulo ayon sa Issues and Advocacy Center


Kinilala bilang most preferred presidential candidate sa rating na 23.5% o ‘very significant’ ang Standard Bearer ng Partido Federal ng Pilipinas si Ferdinand “bongbong” Marcos Jr..


Sa inilabas na resulta ng isinagawang survey ng Issues and Advocacy Center nanguna sa pinupulsuhan ng mga botante bilang pangulo sa 2022 elections ang dating senador Bongbong Marcos, na sinundan naman ni Sen. Manny Pacquiao sa rating na 19.75 porsyento, at habang 18% naman o pangatlo sa pinakamataas si Manila Mayor Isko Moreno.


Nasa higit 2,400 katao ang nakiisa at tumugon sa nasabing survey.


Ayon kay Marcos, ang patuloy na suporta mula sa partido at ibang samahan na naniniwala sa kanyang plataporma ang dahilan ng magandang resulta ng isinagawang survey.

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]