Post Page Advertisement [Top]

Bikini body ni Kris, pinagpiyestahan ng mga netizen


Sa ikatlong pagkakataon ay muling ipinasilip ni Kris Aquino ang kanyang kaseksihan sa social media, nang ibalandra niya ang kanyang bathing suit body sa video at ilang photo shot sa Instagram niya.


Mapapanood si Kris na nakatayo sa ibabaw ng tubig sa pool at lantad ang kanyang magandang hubog. May floating shot din si Kris na nagpapakita ng slim-figure niya.


Ang pagpu-post ni Kris ng kanyang swimming at bathing shot ay para ipakita sa kanyang mga follower ang pag-aaral niyang lumangoy. Pero base sa comment at reaction ng mga naka-follow kay Kris, ang napansin ng mga ito ay ang kanyang kaseksihan.


Isa nga sa nag-comment ay si Angel Locsin na naglagay ng tatlong pulang puso, na ang ibig sabihin ay humahanga ito sa kaseksihan ng tinaguriang Queen of Social Media.


Nag-reply naman si Kris at sinabing ninanais niyang makuha man lamang ang isang porsyento ng husay ni Angel sa paglangoy.


Unang posting ni Kris sa isang island resort, para sa isang pictorial shoot. Pero karamihan sa mga larawan ay may suot na sarong ang aktres.


Ang ikalawa ay sa sarili nitong swimming pool habang tinuturuan siya ng kanyang dalawang anak na lumangoy. Mas malinaw at buong-buong pinagpiyestahan ng netizen ang katawan ni Kris sa nabalandra nitong bikini body.


Siyempre, maraming boylet ang nagkomento, at pinusuan ang mga post na ‘yon ni Kris.

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]