![]() |
PHOTO : Birthday celebration of Kelly, Whiskey, Stacey, Zoey and Brylle |
Usap-usapan ngayon sa social media ang limang aso na pumanaw umano matapos pinakain ng chocolate cake sa mismong birthday nila.
Tila hindi kumpleto ang isang birthday celebration kapag walang cake.
Kaya naman sa bawat kaarawan o okasyon, isa sa mga bidang pagkain ay cake.
Pero ang chocolate cake ay para lamang sa mga tao dahil ito ay lubhang mapanganib at bawal sa mga hayop gaya ng aso.
Sa mga posts na kumakalat sa social media, tila sinisisi ng uploader ang mga fur parents dahil sa pagpapakain nito ng chocolate cake sa kanilang mga fur babies.
![]() |
PHOTO : Birthday celebration of Kelly, Whiskey, Stacey, Zoey and Brylle |
Limang aso na pawang husky dogs na sina Kelly, Whiskey, Stacey, Zoey, at Brylle ang nag-celebrate ng kanilang birthday noong nakaraang linggo.
Sa larawang ibinahagi ng pet owners na sina Emierry Castelo Clave at Jake Bucsit, makikita ang kanilang masayang pagdiriwang sa ikatlong kaarawan ng kanilang mga fur babies.
Limang aso, kumain ng chocolate cake
Gayunpaman, ang masaya sanang selebrasyon ay binahiran ng mga netizens ng batikos matapos nilang makita ang larawan na nilantakan ng mga aso ang isang chocolate cake.
Para sa kaalaman ng lahat, mahigpit na ipinagbabawal ang tsokolate sa mga aso dahil sa taglay nitong theobromine at caffeine, mga sangkap na hindi kayang i-digest ng mga aso at maaaring magdulot ng seryosong epekto sa kanilang kalusugan.
Ayon sa mga beterinaryo, ang theobromine at caffeine ay maaaring magdulot ng pagsusuka, diarrhea, mabilis na paghinga, pagtaas ng tibok ng puso, at kahit na mga seizure sa mga aso.
Samantala, nagdulot ng negatibong reaksyon mula sa netizens ang insidente kung saan nakatanggap ng pambabatikos ang mga amo ng limang aso dahil sa pagiging iresponsable raw ng mga ito.
Komento ng ilang netizens:
“Irresponsible dog owners! Afaik Goldilocks doesn’t sell dog-friendly cakes.”
“WHAT THE F*CK??? Di nila alam bawal ang chocolates sa mga aso????”
“Tanginaaaaaaaa ang bobo ng owners huhu ang sakit sa puso neto pucha.”
“Ayan yung mga feelingera lang na makapag-alaga ng may lahi but not doing their due diligence. Ano mga best way para alagaan yung Dogs nila. Hayyyyy kakainis.”
“Ako na aligaga pag naka dila lang maski kapiranggot na chocolate aso namin. Tapos may ganitong tao? Pwede naman bumili ng cake na specifically made for doggos.”
Ang insidenteng ito ay nagsisilbing paalala sa lahat ng mga pet owners na maging mas maingat at responsable sa pag-aalaga ng kanilang mga alagang hayop.
Mahalaga ang tamang kaalaman at pagsunod sa mga payo ng mga eksperto sa mga pwede at bawal upang mapanatiling ligtas at malusog ang ating mga alaga.
UPDATE : Ayon sa kumakalat na mga balita sa social media, hindi pumanaw ang limang aso at fake news lamang ito para gumawa ng ingay online.
No comments:
Post a Comment